CREDO: Tagumpay ng Pag-asa
Sa gitna ng pagdiriwang ng ika-1700 anibersaryo ng Unang Konsilyong Ekumenikal ng Nicaea, inaanyayahan namin kayong masaksihan ang isang makabuluhan at makapangyarihang dula na magbabalik sa atin sa isang mahalagang yugto ng kasaysayan ng pananampalataya.
Ang CREDO: Tagumpay ng Pag-asa ay isang pagtatanghal ng Theology I – Spes Class ng Divine Word Seminary Tagaytay na magpapakita ng pakikibaka para sa katotohanan, pagtatanggol sa pananampalataya, at tagumpay ng pag-asa sa gitna ng pagsubok.
“Di magluluwat, liwanag ay sisikat; ang totoo ay ipapamulat, sa atin ipapamalas, lubusang mamamasdan ang katotohanan.”
Halina at samahan ninyo kami sa gabing puno ng pananampalataya, kasaysayan, at inspirasyon. Sama-sama nating tunghayan kung paanong sa bawat pagsubok, ang katotohanan at pag-asa ay laging nagtatagumpay.